Kalat na sa buong National Capital Region (NCR) ang United Kingdom at South African variant ng COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi maitatanggi na nagdulot na ito ng epekto sa pagkalat ng sakit sa Metro Manila.
May mga lugar aniya kung saan natukoy ang UK variant habang may mga lungsod din na mayroong South African variant.
Ang masaklap pa umano nito ay mayroon ding mga lugar kung saan nakapagtala ng parehas na variant.
Gayunman, iginiit pa rin ni Vergeire sa publiko ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa mga health protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.