Inihayag ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, na ire-require lamang ang vaccination cards sa loob ng mga mall na itinuturing na 3C’s o Closed, Crowded, at Close Contact Spaces.
Ginawa ng opisyal ang pahayag makaraang mabatid na may ilan pa rin nagre-require ng vaccination cards sa mall entrance, at wala aniya siyang nakikitang mali dito.
Gayunman, nilinaw ni Malaya na epektibo lamang ang hindi pagpiprisinta ng vaccination cards sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1.
Aniya, itinuturing na 3C ang mga restaurant, spa, movie house at iba pang kahalintulad na establisyemento.
Sinabi pa ni malaya na maaaring mag-require ng vaccination cards ang mga indoor personal care establishments, fitness studios, spaces para sa meetings, conventions at events, hotels, at indoor dine-in establishments.