Maaari nang simulan sa Abril o Mayo ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga batang edad hanggang apat.
Ayon kay health undersecretary Myrna Cabotaje, sinisilip ng gobyerno ang mga buwang ito sakaling lumabas na ang pag-aaral at rekomendasyon sa pagbabakuna sa pinakabatang age group.
Una nang sinabi ni vaccine czar, secretary Carlito Galvez na target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang halos 11 milyong batang edad hanggang apat bago matapos ang Hunyo.
Tinitiyak lamang anya nila ang supply ng doses para sa nasabing age group dahil limitado ang COVID-19 vaccine brands na may formulation para sa mga bata.