Hindi pa mawawala sa lalong madaling panahon ang virus na nagdudulot ng COVID-19.
Binigyang diin ito ni Dr Takeshi Kasai, Regional Director ng WHO Western Pacific Region dahil sa mabilis na pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus.
Sinabi ni Kasai na malaking banta ang Delta variant at iba pang uri ng Coronavirus sa kapasidad maging na pinakamalakas na public health systems sa iba’t ibang rehiyon at kahit pa magsanib puwersa ang internatonal community ay hindi mabubura ang COVID-19. Nakita aniya nilang ang mabilis na hawahan ng virus sa loob ng mga bahay ay dulot ng Delta variant.
Ayon kay Kasai, ang pinaka epektibong panlaban sa virus ay pagpapa bakuna at iba pang hakbangin kabilang ang agarang pagtugon sa pagsirit ng kaso.