Dagsaan na ang mga pasyente sa COVID-19 ward ng mga ospital sa Biñan City, Laguna.
Ayon kay Biñan City mayor Arman Dimaguila, bagaman nakikipag-ugnayan na sila sa One Hospital Command, problema pa rin ang matagal na pila ng mga pasyente.
Kung magkakaroon aniya ng mga bagong aplikanteng doktor at nurses, muling iko-convert bilang COVID facility hospital ang campus ng Polytechnic University of the Philippines sa barangay Zapote.
Sa kabila nito ay sapat naman aniya ang supply ng mga oxygen tank sa Biñan.
Naghahanda na rin ang lokal na pamahalaan sa posibleng pagdami pa ng mga namamatay sa COVID-19 lalo’t may kumpirmadong kaso na ng delta variant sa lungsod.—sa panulat ni Drew Nacino