Isinusulong ng Department of Health ang pagasasagawa ng waste water test ng maruruming tubig laban sa covid-19.
Inihayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na malaki ang maitutulong nito lalo na’t na-detect ang polio virus noon sa ilang imburnal sa Maynila at waterways sa Davao nang nagkaroon ng outbreak sa Pilipinas noong 2019.
Ayon kay Vergeire, mababatid kung saan ang sources ng infection at matutukoy ang mga lugar na high risk sa dahil sa testing ng waste water.
Nitong Marso lamang nang kumpirmahin ng Manila Water na plano nilang magtayo ng laboratoryo para sa covid-19 waste water surveillance.
Gayunman, wala pa anyang inisyatibo ang DOH para sa waste water testing ng monkeypox, na nakapasok na sa bansa.