Nananatili sa high risk sa COVID-19 ang Cagayan Valley at Cordillera Regions dahil sa mataas na Average Daily Attack Rate (ADAR).
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na karamihan sa rehiyon ay nagpakita na ng ‘negative two-week growth rate’ at low-moderate risk case classification maliban sa CAR at Region 2.
Nasa 8.73 anya ang ADAR o bilang ng virus infection sa kada 100,000 na indibidwal sa Cagayan Valley habang 15.99 sa Cordillera.
Nagpaalala naman si Vergeire sa publiko na huwag maging kampante sa halip ay dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health standards. —sa panulat ni Drew Nacino