Naniniwala ang infectious disease expert at vaccine expert panel member na si Dr. Rontgene Solante na hindi na lolobo ang COVID-19 case sa bansa.
Ayon kay Solante, hindi na magiging kasing-taas ang mga kaso ng COVID kumpara noong mga nakaraang buwan kahit na humina pa ang proteksyon na dulot ng bakuna.
Kung mayroon anyang mga magkakasakit ay hindi na rin ito magiging malala dahil dumarami na ang mga bina-bakunahan.
Magugunitang pumalo sa halos 20,000 ang mga bagong COVID-19 cases noong Agosto at Setyembre.
Kahapon ay nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 3,117 COVID-19 cases habang sumadsad sa 43,185 ang mga aktibong kaso. —sa panulat ni Drew Nacino