Bumababa na ang bilang ng COVID-19 cases sa buong bansa.
Ayon kay OCTA research fellow, Dr. Guido David, nasa .97% na lamang ang reproduction rate habang nasa negative 14% ang growth rate.
Batay sa Department of Health, nakapagtala ang bansa ng 23, 883 na karagdagang COVID-19 cases sa nakalipas na linggo o average 3, 412 daily infections mula August 15 hanggang 21 o mababa ng 15% kumpara sa nakalipas na linggo.
Sa Metro Manila, bumaba ng 12% ang COVID-19 cases kumpara sa nakalipas na linggo at bumaba na sa 1.04% ang reproduction rate.
Umaasa anya sila na matatapos na ang Omicron wave sa Pilipinas, lalo’t lampas na ang bansa sa peak ng COVID-19 infections.
Samantala, naniniwala naman si David na nakatutulong ang vaccination drive ng gobyerno upang mapababa ang mga kaso ng nasabing sakit.