Nakakikita na ang Department of Health (DOH) ng plateauing o pagpatag ng COVID-19 cases sa maraming rehiyon, partikular sa mga nasa low risk classification area.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon ng negative growth rates ang lahat ng rehiyon, maliban sa Cordillera Administrative Region at Davao Region.
Nangangahulugan itong hindi na umaabot sa isanlibo ang naitatalang daily cases ngayong linggo.
Nasa low risk na rin anya ang healthcare utilization rate habang nasa moderate risk ang intensive care unit utilization rate ng Davao region.
Kahapon ay umabot lamang sa 1,019 ang panibagong COVID-19 cases sa bansa.