Patuloy ang pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.
Ayon kay Dr. Eloisa Pornillos, pangulo ng Philippine College of Physicians-Bicol Chapter, pami-pamilya na ang mga nagkakaroon ng COVID-19 cases kaya minsan ay mag-asawa o pamilya ang nasa loob ng isang kuwarto.
Ipinabatid ni Pornillos na okupado na ang COVID-19 beds sa mga ospital sa Bicol region sa nakalipas na dalawang linggo.
Pumapalo na sa kabuuang 16,153 ang COVID-19 cases matapos madagdag ang 212 na mga bagong kaso nuong isang linggo.