Sumampa na sa 4 milyon ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa buong mundo.
Ito ang inanunsyo ng World Health Organization (WHO), mahigit 18 buwan simula nang kumalat ang sakit sa China, noong December 2019.
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, maituturing ng “tragic milestone” ang panibagong bilang ng COVID-19 death toll.
Namemeligro na anya ang mundo dahil sa walang tigil na pagkalat ng virus bukod pa sa panibagong COVID-19 variant na maaaring maging sanhi ng mas matinding pandemya kung hindi maaagapan.
Nagbabala naman si Ghebreyesus sa gitna ng pagluluwag sa quarantine status ng ibang bansang naka-kumpleto na ng vaccination at iginiit na hindi pa naman tapos ang pandemya.
Inihayag din ng WHO official na kahit kumpleto na ang bakuna ng lahat ng mamamayan ay hindi ito nangangahulugan na ligtas na ang lahat sa COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino