Patuloy sa pagtaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, subalit hindi pa ito umaabot sa rurok o peak.
Ayon kay OCTA research fellow, Dr. Guido David, nasa average 1,033 additional cases kada araw ang naitala sa National Capital Region simula July 18 hanggang 24.
Dahil dito ay nananatili aniya sa ilalim ng moderate risk classification ang NCR.
Gayunman, ang nasabing bilang ay sumasalamin sa increase mula sa seven-day average na 829 new infections na naitala simula July 11 hanggang 17.
Idinagdag pa ni David na nananatiling “flat” ang one-week growth rate sa Metro Manila sa nakalipas na tatlong linggo.
Nasa 25% naman ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila noong isang linggo nangangahulugang bagaman tumataas, moderate naman ang increase rate o flat growth rate kaya’t hindi pa malinaw kung kailan naganap ang peak ng cases.