Lumagpak na sa 205 ang panibagong COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, ang nasabing bilang ay 20 percent ng 989 ng additional cases na naitala ng DOH sa buong bansa, kahapon.
Pinaka-marami anya ang naitala sa Quezon City, 44; Maynila, 37; Caloocan, 19; Parañaque, 18; Pasay, 14; Makati, 11; Taguig, 11; Marikina, 9; Pasig, 9; Las Piñas, 8;
Malabon, 5; Valenzuela, 5; Mandaluyong, 4; Muntinlupa, 4; Navotas, 3 habang tig-isa sa San Juan at Pateros.
Una nang inihayag ng OCTA na batay sa kanilang projection ay aabot na lamang sa 500 cases ang maitatala sa bansa sa kalagitnaan ng Marso.