Masyado pang maaga upang ipagpalagay na ang Omicron variant na ang hudyat nang pagwawakas ng COVID-19 pandemic.
Ito ang ibinabala ni World Health Organization Director-General Tedros Ghebreyesus taliwas sa pahayag ni WHO– Europe Director Hans Kluge na maaaring nalalapit na ang “Endgame” ng pandemya sa Europa dahil sa Omicron.
Ayon kay Ghebreyesus, dapat tutukan ng mga bansa ang pagsugpo sa pandemya na ikinasawi na ng halos 6M katao sa nakalipas na dalawang taon.
Hindi pa anya dapat magpaka-kampante at sa katunayan ay dapat paghandaan ang posibleng pag-usbong ng mga panibagong variant dahil sa panahon o klima.
Iginiit din ng Hepe ng WHO na dapat magkaisa at magtulungan ang lahat ng bansa na wakasan ang pandemya sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bakuna lalo sa mga mahirap na bansa.