Bumaba pa sa -20% ang COVID-19 growth rate sa National Capital Region mula sa -10%.
Sa kabila nito, nilinaw ni OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David na nasa critical risk pa rin ang Metro Manila dahil nasa 13,000 pa ang average cases kada araw.
Ayon kay David, bumagsak naman sa 1.58 ang reproduction rate o transmission rate mula sa 1.79 habang nakapagtala ang NCR ng karagdagang 9,455 COVID-19 cases kahapon.
Samantala, aminado naman si National Task Force Against COVID-19 Adviser, Dr. Ted Herbosa na mahirap pang tukuyin kung nasa downtrend na ang COVID infections.
Kahapon ay umabot sa 31,173 ang karagdagang COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) kaya’t sumampa sa 3,324,478 ang case load.