Mas lumaki pa ang tiyansa ni Japanese COVID-19 Minister Taro Kono na maging susunod na prime minister ng kanilang bansa.
Ito’y kung pagbabasehan ang lumabas na survey sa mga mamamayan ng Japan kung sino ang pipiliin nilang susunod na prime minister.
Mababatid na sa naturang survey, pumabor ang 23% kay Kono para manguna sa kanilang pamahalaan; pumangalawa ang dating defense minister ng Japan na si Shigeru Ishiba na may 21% at panghuli ay si dating foreign minister Fumio Kishida na may 12%.
Nauna rito, inanunsyo ni Incumbent Prime Minister Yoshihide Suga na bababa na ito sa pwesto at hindi na muling lalahok sa anumang posisyon sa halalan sa September 29 ng ruling party na Liberal Democratic Party (LDP).