Pumalo na sa 16% ang COVID-positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA research fellow Guido David, umakyat ito mula sa 14.6% na naitala kahapon.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga indibidwal na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang sumailalim sa testing.
Habang bumaba naman ang one week growth rate sa COVID-19 sa 15%.
Samantala, hinikayat naman ni David ang publiko na magpaturok ng booster shot upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.