Kasabay ng pagbilis ng hawaan o reproduction rate, bahagya pang tumaas sa 28.7% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila hanggang kahapon kumpara sa 28% noong sabado.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido david, nangangahulugan ito na kada 100 taong itine-test, 28.7% ang nag-po-positibo sa COVID-19.
Dahil anya mababa ang testing output, magreresulta ito sa pagbaba ng mga bagong kaso sa NCR
Samantala, naniniwala si David na ang patuloy na pagdami ng mga COVID-19 positive individuals na dinadala sa ospital ay sanhi ng mas nakahahawang Omicron variant. —sa panulat ni Drew Nacino