Tumaas pa at lumampas na sa 5% ang positivity rate o bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa Metro Manila.
Inihayag ni OCTA Research Fellow Prof. Guido David na kung titingnan naman ang 7-day positivity rate sa NCR ay aabot na ito sa 2.4%.
Inaasahan din anyang lulundag sa 1,200 ang mga bagong kaso na maitatala sa buong bansa pagsapit ng December 29 o simula ngayong araw kung saan 400 ay posibleng magmula sa NCR.
Ibinabala naman ni David na nag-iiba na ngayon ang sitwasyon sa NCR kaya’t kailangan ng mas ibayong pag-iingat at tiyakin ang pagsunod sa health protocols.
Sumampa na rin sa 1.03 ang reproduction rate sa metro manila kaya’t naniniwala sila sa octa na hindi lamang basta “holiday uptick” ang panibagong serye ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Sa datos ng Department of Health, nakapagtala ng karagdagang 421 COVID cases kahapon kaya’t bahagyang tumaas sa 9,750 ang aktibong kaso. —sa panulat ni Drew Nacino