Tumaas ang naitalang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, mula sa 7.4% na naitala noong November 15 ay lumobo ito sa 9.2% nitong November 22.
Dahil dito, sinabi ni David na maaaring magkaroon ng panibagong wave ng infections kung hindi bubuti ang trends ng mga kaso.
Posible rin aniya itong matulad sa nangyari noong Hunyo kung saan naitala ang pagtaas ng mga kaso ng sakit.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.
Batay sa datos mula sa Department of Health nitong Miyerkules, ang NCR ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na mayroong 3,382.