Bahagya pang bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Tinaya ng OCTA Research Group sa 0.55 ang reproduction rate sa National Capital Region makaraang makitaan ng “nearly flat” na growth rate sa nakalipas na siyam na araw.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, nasa 660 new COVID-19 cases ang naitala ng DOH sa NCR kumpara sa seven-day average na 955.
Naka-apekto aniya sa flat trend ang case backlogs pero posibleng bumagal na ang downward trend ng COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino