Bahagyang bumaba ang COVID-19 reproduction rate sa Metro Manila.
Hanggang nitong Martes, Agosto 2, bumulusok sa 1.24 ang reproduction rate sa National Capital Region (NCR) kumpara sa 1.33 noong Hulyo 26.
Ito, ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, ay indikasyon na maaaring mag-peak sa mga susunod na araw o buwan ang mga bagong kaso ng COVID-19.
Gayunman, bahagya namang tumaas ang positivity rate sa N.C.R. sa 16.9% noong Martes kumpara sa 15.5% noong July 26.
Noon lamang Martes kinumpirma ng Department of Health na nakapasok na at may dalawang kaso na sa bansa ng Omicron sublineage BA.2.75 o Centaurus na sinasabing mas nakahahawa.