Nananatiling “manageable” ang covid-19 situation sa bansa.
Tiniyak ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa kabila ng pasya ng World Health Organization na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng global public health emergency.
Kampante si Undersecretary Vergeire sa pangangasiwa sa mga covid case sa bansa dahil sa mababang hospital admission rate maging ang severe at critical infections.
Ayon kay Vergeire, kung tutuusin ay mas preparado ngayon ang gobyerno kumpara noong taong 2020.
Naka-adopt na rin anya ang mga Filipino sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagsusuot ng face masks habang umakyat na sa 94% ang vaccination rate para sa primary doses.
Gayunman, naiintindihan ng DOH ang desisyon ng WHO na ituring pa rin ang covid-19 pandemic bilang public health emergency of international concern dahil sa banta ng mga bagong variants; Average na 10,000 hanggang 30,000 deaths per day sa mundo at kakulangan ng reports at datos sa ilang bansa, gaya sa China.