“Close to plateauing” na ang Covid-19 situation sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagbaba ng bilang ng nagkakasakit.
Sa pagharap sa House Committee on Trade and Industry, inihayag ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group na wala silang bantang nakikita sa Covid-19 situation sa National Capital Region, sa ngayon.
Ayon kay David, bagaman may nakikita silang bahagyang pagtaas ng kaso dahil sa mobility, hindi na ito gaanong kataas dahil halos nagpa-plateau na ang Covid-19 cases.
Gayunman, hindi pa anya ito sigurado at malalaman pa sa loob ng isang linggo kung talagang bumubuti na ang sitwasyon sa NCR.
Samantala, aminado naman si David na binabantayan ng OCTA Research ang Delta a.y. 4.2 variant, na kasalukuyang kumakalat sa United Kingdom. —sa panulat ni Drew Nacino