Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa Department of Education hinggil sa umano’y hawaan ng Covid-19 sa mga paaralan simula nang magbalik ang face-to-face classes.
Ayon kay DOH-OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire, layunin ng kanilang pakikipag-usap sa DepEd na pagsamahin at pag-isahin ang datos dahil hindi pa rin kumpleto sa ngayon ang kanilang report.
Ibinabase anya ng DOH sa kanilang talaan kung saan nakikita at kung ilan na ang nagkakasakit sa mga age group ng mga bata.
Nilinaw naman ni Vergeire na sa ngayon ay wala pa silang maibigay na eksaktong bilang o statistics.
Bagaman may mga kaso ng COVID-19 sa kabataan, hindi naman anya ito malubha.