Nilinaw ng Department of Health na hindi pa sinisimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naghahanda pa sila para sa rollout ng COVID-19 vaccines sa nabanggit na age group.
Tinatalakay pa anya nila ang nasabing hakbang kasama ang Food and Drug Administration at mga eksperto.
Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na habang naghihintay para sa COVID-19 vaccines para sa pediatric group, kumpletuhin na ang routine immunization ng mga bata laban sa ibang sakit tulad ng tigdas, rubella, tetanus at diphtheria. —sa panulat ni Drew Nacino