Pinuna ng Department of Health (DOH) ang ipinagbabawal pa ring pagbabakuna ng COVID-19 vaccines sa mga menor de edad sa ilang probinsya.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makaraang mapag-alamang tinuturukan ng Moderna at iba pang vaccine brand ang ilang 17 anyos na may comorbidity sa Tacloban City, Leyte.
Ayon kay Vergeire, aprubado lang ang pagtuturok ng Moderna sa mga 18 anyos pataas, batay sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration.
Tanging Pfizer vaccine anya ang pwede sa mga 12 hanggang disi 17 anyos pero hindi pa ito sinisimulang iturok sa mga bata.
Bagaman may EUA na ang Pfizer vaccines para sa mga menor de edad, iginiit ng DOH official na dapat maging stable muna ang supply ng bakuna at unahin ang mga nakatatanda at may comorbidities na adult population. —sa panulat ni Drew Nacino