Makatutulong pa rin ang pagbabakuna ng primary doses ng covid-19 vaccine at booster shots sa nakahahawang omicron variant.
Ito ang tiniyak ng U.P. – COVID-19 Pandemic Response Team (UP-PRT) sakaling pumasok sa Pilipinas ang nakahahawang COVID variant.
Ayon kay UP-PRT Spokesman, Dr. Jomar Rabajante, binabantayan nila ang mga pag-aaral mula sa ibang bansa ukol sa Omicron variant na unang nadiskubre sa South Africa at itinuturing na variant of concern.
Wala pa man anya ang isang buwan ay makikita na ang mataas na transmissibility ng Omicron, kumpara sa Delta, sa kaso sa South Africa na natuklasan lamang noong Nobyembre.
Sa kaso ng Delta variant, lumipas muna ang ilang buwan bago kumalat ito nang tuluyan sa ibang bansa.
Gayunman, mayroong ilang eksperto ang nagsabi na mild lamang ang mga kasong ito at kasalukuyan pang pinag-aaralan ng World Health Organization. —sa panulat ni Drew Nacino