Tatlong oras naperhuwisyo ang mga subscribers ng Globe Telecom at Smart Communications sa bahagi ng Quiapo, Maynila kahapon
Ito’y makaraang pansamantalang putulin ng dalawang higanteng Telcos ang cellphone signal mula alas 3:00 ng hapon hanggang ala 6:00 ng gabi
Batay sa abiso ng Globe at Smart, ang nangyaring pagpatay sa signal ay alinsunod na rin sa kautusan ng NTC o National Telecommunications Commission batay sa kahilingan ng pambansang pulisya
Dahil dito, nakaranas din ng parehong problema ang mga subscribers ng Globe at Smart sa iba pang bahagi ng maynila gayundin sa mga lungsod ng Quezon at Makati
Ayon sa PNP, ginawa ang nasabing hakbang bilang pagtitiyak na rin sa kaligtasan ng publiko bunsod ng serye ng mga pagsabog sa Quiapo nitong nakalipas na mga linggo
By: Jaymark Dagala