Sisimulan na ng mga telecommunication company o telco ang kanilang porting services.
Ito ay ang pagpapalit ng network kahit hindi nagpapalit ng mobile number.
Bumuo ang tatlong telco giant na Globe, Smart at DITO ng isang joint venture at tinawag na Telecomunications Connectivity Incorporated.
Ginawa ang nasabing hakbang salig sa Republic Act 11202 o ang Mobile Number Portability Act na nilagdaan ni Pang. Rodrigo Duterte nuong 2019.
Aabot naman sa P120 milyong ang inilatag na puhunan ng mga telco para itatag ang interoperability para sa porting in at porting out service.