‘Walang balak sumabak sa pulitika.’
Ito ang tahasang sagot ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa tanong kung may balak ba itong pumasok mundo ng pulitika oras na magretiro sa Nobyebre.
Ayon kay Rleazar, simple lang ang kanyang plano oras na magretiro sa serbisyo, ito ay ang pagtutuon ng pansin sa kanyang pamilya na hindi niya nagampanan dahil sa ginagawang serbisyo sa pambansang pulisya.
Gayunman, tiniyak ni Eleazar na kanyang susuportahan pa rin ang pambansang pulisya kahit pa sa oras na kanyang pag-alis sa serbisyo bilang pinuno nito.
Sa huli, binigyang diin ni Eleazar na sa kanyang mga nalalabing panahon sa pwesto ay pangako aniyang itotodo ang paglilingkod at pagtatanggol sa publiko.