Welcome para sa Communist Party of the Philippines (CPP) ang isinusulong na federal form of government ng administrasyon Duterte.
Ayon kay CPP Founding Chairman Jose Maria Sison, kailangan pa nilang makita ang magiging features ng binabalangkas na pederalismo para sa bansa.
Aniya, may mga kinakailangan pang kumpletuhin ang gobyerno sa common framework ng gagawing pagbabago sa sistema ng gobyerno.
Sinabi pa ni Sison, makakasama ang naturang usapin sa susunod pang pag-usad ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde.
By Rianne Briones
Photo Credit: Reuters