Ipinaaresto ng korte sa Maynila si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Joma Sison at 37 pang miyembro ng organisasyon sa kasong murder.
Ayon sa inilabas na arrest warrant ng Manila Regional Trial Court branch 32, sina Sison ang responsible sa Inopacan, Leyte Massacre noong 1980.
Kasama sa pinaaaresto ang asawa ni Sison na si Juliet Sison, National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Senior Adviser Luis Jalandoni at ang dating chairman na si Rodolfo Salas alyas “Ka Bilog”.
Inihain ang kaso laban sa kanila noong taong 2006 matapos madiskubre ang labi ng higit 60 biktima ng naturang massacre sa Leyte.