Isiniwalat ng Pangulong Rodrigo Duterte na malubha na ang sakit ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison.
Ayon sa Pangulo, mayroong rare bone marrow disease si Sison kaya’t ito aniya ang dahilan kaya’t nais niyang makauwi na ito sa Pilipinas.
Tiniyak ng Pangulo kay Sison ang kaligtasan at kalayaan nito dito sa bansa.
Kasabay nito ay aakuin din ng Pangulo ang bayad sa pagpapa-ospital dito sa bansa ni Sison.
Matatandaang Enero ng na-ospital sa Oslo , Norway si Sison kung saan ay hindi na ito nakadalo sa closing ng 3rd round ng peacetalks sa Rome, Italy.
Taong 1986 nang mag-exile sa the Netherlands si Sison.
NPA hindi tatantanan hangga’t hindi pumipirma sa bilateral ceasefire si CPP Founding Chair Joma Sison
Hindi ititigil ng gobyerno ang military operations laban sa NPA o New People’s Army hangga’t hindi pumipirma sa bilateral ceasefire si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.
Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony ng isang housing project sa Davao City.
Sinabi ng Pangulo na may problema sa hanay ng NPA kaya’t malaking hamon ang pakikipag-usap sa mga ito sa negotiating table.
Ayon sa Pangulo, inamin sa kanya ng ilang communist leader sa isang dinner sa Malakanyang na hindi nila kontrolado ang kanilang field commander kaya’t sa kabila ng peace talks ay may nagaganap pa ring mga bakbakan.
Bunsod nito, sinabi ng Pangulo na hangga’t hindi narerendahan ng kilusang komunista ang kanilang mga tauhan ay tuloy-tuloy ang opensiba laban sa mga ito.
By Ralph Obina / Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping