Nanindigan si CPP o Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na hindi na bumalik ng Pilipinas.
Ayon kay Sison, pinal na ang kanyang pasya kasunod na rin ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ay ipaaaresto oras na umuwi ng bansa.
Sinabi ni Sison, kanyang pinasasalamatan si Lorenzana sa pagpapakita nitong hindi talaga sinsero ang pamahalaan sa usapang pangkapayaan.
Gayundin aniya ang pagpapatunay na nagsisinungaling lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangakong bibigyan siya ng seguridad at ang iba pang NDFP consultants sakaling gawin sa Pilipinas ang peacetalks.
Una nang inihayag ni Sison na babalik siya ng bansa oras na malagdaan na ng pamahalaan at komunistang grupo ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER at kung matitiyak ang kanyang seguridad.
(with report from Jaymark Dagala)