Muling binanatan ni CPP o Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa social media, sinabi ni Sison na ang kayabangan at kahibangan sa kapangyarihan ay magpapatuloy hanggang sa madiskubre nitong hindi na sang ayon ang mga mamamayan sa kanyang pamamalakad.
Hindi man diretsahang pinangalanan, ay ang Pangulong Rodrigo Duterte ang tinutukoy dito ni Sison kasunod ng pagkansela ng pangulo sa nakatakdang peacetalks ngayong buwan.
Una nang inihayag ni Sison ang kanyang prediksyon na hindi magtatagal ay darating na rin ang pagbagsak ni Pangulong Duterte.