Hinamon ng Communist Party of the Philippines ang Pangulong Rodrigo Duterte na isabuhay ang pagnanais nyang mapaalis ang tropa ng mga Amerikanong sundalo sa Mindanao.
Sa isang statement, hinikayat ng CPP ang Pangulo na tanggalin ang lahat ng US Forces hindi lamang sa Mindanao kundi sa lahat ng panig ng bansa.
Ayon sa CPP, mayroong presensya ang US military sa mga kampo militar sa Fort Magsaysay Nueva Ecija, Basa airbase sa Pampanga, Antonio Bautista air base sa Palawan, Benito Ebuen Air base sa Mactan Cebu at Lumbia airport sa Cagayan de Oro sa Northern Mindanao.
Nagawa anila ito ng U.S. Dahil pamamagitan ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement.
By: Len Aguirre