Kumbinsido si CPP o Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na magpapatuloy na sa lalong madaling panahon ang ika-5 round ng peacetalks sa pamahalaan.
Ayon kay Sison, bagamat suspendido ang pag-uusap, hindi naputol ang ugnayan ng government at NDFP peace panels.
Sinabi ni Sison na determinado ang magkabilang panig na magtagumpay ang peacetalks kaya’t hindi na dapat ipagtaka kung sa susunod na dalawang buwan ay matuloy na ang naunsyaming ika-5 round ng peacetalks.
Una rito, sinuspindi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uusap makaraang atasan ng pamunuan ng CPP ang NPA na maglunsad ng mga pag-atake matapos ideklara ang martial law sa Mindanao.
By Len Aguirre