Nakiusap ang CPP o Communist Party of the Philippines sa militar na bawasan ang isinasagawang operasyon sa tatlong probinsya sa Mindanao.
Ayon sa CPP, ito ay para bigyang daan ang pagpapalaya ng New People’s Army sa apat nitong bilanggo sa Surigao Del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.
Sinabi ng CPP na hindi mapalaya ang apat na bihag dahil sa mga ginagawang operasyon sa naturang mga probinsya, at umaasa silang makikipag ugnayan ang mga opisyal kanilang third party facilitators para sa pagpapalaya sa mga bihag.
Una nang tiniyak ng CPP na magdedeklara sila ng unilateral ceasefire bago mag Marso 31.
By Katrina Valle