Hindi pabor si Southern Luzon Commander Lt. General Antonio Parlade Jr. na muli pang buhayin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines – National Democratic Front (CPP-NDF).
Ayon kay Parlade, malinaw na hindi tunay na kapayaan ang hangad ng CPP-NDF sa pakikipag-usap sa pamahalaan.
Ani Parlade, sa simula pa lamang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinakita na nito ang sinseridad sa pakikipag-usap sa mga komunista.
Sa katunayan aniya ay itinalaga pa ng pangulo sa kanyang gabinete ang ilang mga kilalang mula sa makakaliwang grupo para tumulong sa usapang pangkapayapaan.
Gayunman, hindi aniya tumupad ang kabilang panig at sa halip ay patuloy sa pag-atake sa kabila ng pagkakaroon ng ceasefire.
Binigyang diin pa ni Parlade na hindi rin tumigil ang localized peacetalks o pakikipag-usap sa mga lokal na NPA.
Ang ceasefire, gusto ‘yan ng sundalo pero ang tinitingnan diyan ay sincerity… hindi na dapat pagkatiwalaan sila sa ceasefire-ceasefire na ‘yan,” ani Parlade. —sa panayam ng Balitanf Todong Lakas