Handa ang National Democratic Front – Communist Party of the Philippines na muling makipag-peace talk sa pagpasok ng bagong administrasyon sa susunod na taon.
Ayon kay NDF – CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na umaasa silang magiging bukas din sa usapan ang papalit sa Aquino administration.
Una nang nagpahayag si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kaibigan siya ng komunistang grupo at sakaling sya ang maging pangulo ay ang peace talk sa maka-kaliwang grupo ang kanyang magiging prayoridad.
Ngunit paalala ni Sison kay Duterte, maging maingat sa ikokonsidera nitong bise presidente lalo’t lumulutang ang pangalan ni Senator Bongbong Marcos para kanyang maka-tandem.