Mahigpit na binabantayan ng PNP ang galaw ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ito ay kasunod ng naging kautusan ng Korte na nagbabasura sa petisyon ng gobyerno na ideklarang terorista ang naturang grupo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa mga aktibidad ng mga suspected CPP-NPA, upang maiwasan ang ibat-ibang uri ng krimen sa bansa.
Iginiit ni Azurin na handa ang kapulisan na arestohin at kasuhan ang mga CPP-NPA member na masasangkot sa krimen at iba pang kaguluhan.