Nananatili sa listahan ng mga international terrorist group ng Amerika ang CPP-NPA-NDF o Partido Komunista ng Pilipinas.
Ayon kay US State Department Spokesman Mike Toner, ito’y dahil sa naabot pa rin ng komunistang grupo ang kanilang pamantayan para rito.
Taong 2002 pa nang isama ng Amerika sa nasabing listahan ang CPP-NPA dahil sa mga ginagawa nitong pag-atake na nagsisilbing banta sa seguridad ng mga inosenteng sibilyan.
Magugunitang napagkasunduan sa ikatlong yugto ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunista ang pagrerekumenda na tanggalin sa listahan ng mga terrorist group ng Amerika ang NPA gayundin ang founder nitong si Jose Maria Sison.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: CPP website