Iginiit ng isang mambabatas na hindi dapat inaresto ang isang CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front Consultant na nakapaloob ang pangalan sa listahan ng JASIG o Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees.
Ayon kay Congressman Carlos Zarate, hindi dapat inaresto ng mga otoridad si Ariel Arbitraryo dahil labag ito sa naturang kasunduan.
Dapat aniyang palayain si Arbitraryo dahil wala namang formal termination ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at kilusang komunista.
Una nang kinumpirma ni Zarate na naaresto si Arbitraryo sa Davao.
By Avee Devierte | Report from Jill Resontoc