Nagpasa ng resolusyon ang 17 barangay sa sipalay City, Negros Occidental na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non-grata sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon sa Philippine Army, ginawa ang hakbang na ito, kasabay ng isinagawa nila doong aktibidad na dinaluhan ng 145 na mga barangay chairman, barangay councilors, at SK chairman.
Bunsod nito, pinaalalahanan naman ni 15th Infantry Battalion Commander Lieutenant Colonel Erwin Cariño, ang mga barangay officials hinggil sa kanilang tungkulin at responsibilidad na maisakatuparan ang layunin ng barangay Task Force to end the Local Communist Armed Conflict o ELCAC.
Pahayag pa ni Carino, na ang pagkakadedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona-non-grata sa harap ng publiko ay isang malinaw na hakbang upang tuluyan nang matuldukan ang impluwensya ng komunistang grupo sa lunsod.
Samantala, binigyang pagkilala naman ni 302nd Brigade Commander Colonel Leo Peña ang collaborative peace initiatives na ito ng lahat ng opisyal ng barangay sa Sipalay City sa ilalim ng pamumuno ng local governemnt unit na syang nagsisilbing chairperson ng Sipalay City Task Force-ELCAC.