Matagal na umanong hindi dapat nagdedeklara ng ceasefire sa CPP-NPA.
Ito’y ayon kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit kailan ay hindi na magkakaroon ng deklarasyon ng tigil putukan sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Sinabi ni Dela Rosa na nililinlang lamang ng rebeldeng komunista ang gobyerno kapag nagpapatupad ng tigil putukan.
Magugunitang sa kabila ng ceasefire ng pamahalaan tuwing Kapaskuhan, umaatake pa rin ang CPP-NPA sa tropa ng gobyerno na pagpapakita umano ng walang paggalang nito sa tigil putukan.