Walang plano ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na ipapatay si dating Presidential Communication Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging reaksyon ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison kasunod ng naging pahayag ni Uson na kapag napatay siya ay walang dapat na sisihin kundi ang NPA.
Ayon kay Sison, malinaw na ginagamit lamang ni Uson ang CPP-NPA para mapag-usapan at mapansin ang kanyang pagtakbo sa eleksyon.
Hindi man aniya kasing sama ni Uson ang kanyang among si Duterte ay siya naman ang responsable sa pagpapakalat ng fake news at pagiging bulgar ng administrasyong Duterte.
Una nang sinabi ni Mocha na ayaw naman talaga niya ng security kahit pa noong nasa Malacañang siya ngunit iginiit ng kanyang chief of staff na kailangan niya ito para sa kanyang seguridad dahil na rin sa ginagawa niyang pagpuna sa mga rebelde sa kanyang blog.
—-