Tuloy ang pag-atake ng Communist Party of the Philippines sa gobyerno sa kabila ng peace talks.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi nakatutulong sa usapang pang-kapayapaan ang mga aksyon ng CPP bagkus nakasisira ito sa proseso.
Nakalilito anya ang ginagawa ng komunistang grupo kung saan nakikipag-usap ito sa gobyerno pero hindi naman itinitigil ang pag-atake sa militar at pulisya.
Iginiit ni Lorenzana na walang patutunguhan ang negosasyon kung patuloy na magbabakbakan ang gobyerno at rebeldeng grupo.
Naniniwala ang kalihim na bagaman maaaring siryoso ang CPP sa peace talks, wala namang balak ang mga rebelde na ibaba ang kanilang armas dahil kumikita sila sa kanilang “extortion” activities.
By: Drew Nacino
CPP patuloy ang pag atake sa mga pulis at militar sa kabila ng peace talks was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882