Naaresto sa pinagsanib na puwersa ng pulis at militar sa Ozamiz City ang sekretarya ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Rommel Dorango Salinas.
Ayon kay Superintendent Lemuel Gonda, spokesman ng Northern Mindanao regional police, 11:00 ng umaga kahapon, Pebrero 1, nang isilbi ng pulisya at militar ang warrant of arrest laban kay Salinas para sa mga kasong frustrated murder at destructive arson.
Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Ozamiz si Salinas.
Matatandaang noong isang araw ay naaresto naman ng Philippine National police (PNP) ang NDF consultant na si Rafael Baylosis sa Quezon City.
—-